BUTUAN CITY – Inanunsiyo sa Department of Health o DOH-Caraga na ngayong araw, 121 na RT-PCR results ang natanggap galing sa Southern Philippines Medical Center o SPMC at Northern Mindanao TB Reference Center o NMTBR sub-national laboratories.
Sa natanggap na mga RT-PCR results, 91 ang negatibo habang 30 ang positibo sa COVID-19 virus.
Ang mga negative RT-PCR results ay nanggaling sa suspect cases, probable cases at high-risk individuals na nagiging positibo sa Rapid Antibody-based Test o may travel o na-expose sa mga lugar na may COVID-19. Ang nasabing mga kaso ay galing sa iba’t ibang quarantine facilities at hospitals sa rehiyon.
Habang 30 samples ang bag-ong RT-PCR confirmed positive results sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 60% o 18 ang Locally Stranded Individuals, 26.67% o 8 ang Returning Overseas Filipinos, 10% o 3 ang residente sa lugar na dineklarang may local transmission at 3.33% o isa ang may history sa pagbiyahe sa Cagayan de Oro.
Sa mga bagong positibo, 56.67% ang lalaki habang 43.33% ang babae habang sa age-group naman, 36.67% ang 20 hanggang 30-anyos.
Ang nadagdag na kaso ay mula sa Butuan City (11), Carmen, Agusan del Norte (1), Bayugan City (1), municipalidad sa Agusan del Sur- Bunawan (4) at San Francisco (1); Surigao City (2), municipalidad sa Surigao del Norte – Alegria (1), Bacuag (3), Pilar (1), Placer (1), Sison (1) at San Isidro (1); Bislig City (1), Lingig, Surigao del Sur (1).
Dahil sa bagong mga kaso, ang Caraga region ay may kabuoang 245 na COVID-19 confirmed positive cases.
Kaugnay naman nito, mahigpit na nananawagan si Regional Director Jose R. Llacuna, Jr. sa publiko na susundinang minimum health standards sa pamamagitan sa BIDA Solusyon laban sa COVID-19: B-bawal walang mask, I-isanitize ang kamay, D-distansya ng isang metro at A-alamin ang tunay na impormasyon,”