ILOILO CITY – Naharang ng mga kasapi ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong truck na may kargang alcoholic drinks sa Brgy. Agutayan, Sta. Barbara, Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCol. Gervacio Balmaceda, pinuno ng CIDG-6, sinabi nito na “cover up” ang ginawa ng mga driver upang makalusot sa checkpoint.
Ayon kay Balmaceda, essential goods ang nakalagay sa truck na may karga umanong grocery items at kahong-kahong energy drinks.
Nang binuksan ang loob ng truck ayon kay Balmaceda, dito na tumambad sa inspection team ang acoholic drinks.
Inaalam pa ng otoridad kung sino ang may ari ng truck at kung sino ang consignee nito samantala ang mga driver naman ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine protocol.
Nanawagan rin si Balmaceda na paigtingin ang isinasagawang checkpoint sa lungsod at lalawigan ng Iloilo.