Natuldukan na rin ng Los Angeles Lakers ang tatlong sunod-sunod na talo nang makalusot sa Denver Nuggets, 93-89.
Nanguna si Anthony Davis sa defending champion na may 25 points kung saan naging malaking tulong ang kanyang short jumper sa huling sandali upang iposte ang ika-37 panalo.
Nagmuntikan pa ang Lakers nang mahabol ng Denver ang 14 points na kalamangan sa foruth quarter.
Natigil na rin ang five-game winning streak ng Nuggets.
Ang panalo ng Lakers ay sa kabila na hindi rin naglaro sina LeBron James at Dennis Schröder.
Nanguna sa panig ng Nuggets sina Jokic na nagtapos sa 32 points at si Michael Porter Jr. na nagdagdag ng 19.
Samantala kaabang abang ang next game ng Lakers dahil bibisita sila sa teritoryo ng karibal na Clippers sa Staples Center sa Biyernes.