Tatlong katao ang sugatan sa naganap na pamamaril sa Pennsylvania.

Sinabi ni Lower Burrel Police Chief John Marhefka na nagkaroon lamang ng argumento sa suspek at mga biktima dahil regalo sa naganap na baby shower party.

Gamit ng suspek ang isang 9 mm semi-automatic handgun at itinutuktok sa 25 bisita.

Sugatan ang 23-anyos na lalaki, 19-anyos na babae at isang 16-anyos na binatilyo.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek habang ang mga biktima ay tinakbo na sa iba’t-ibang pagamutan.

-- Advertisement --