Ibinunyag ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde na tatlong pangalan ng senior police generals ang kaniyang inirekumenda para maging susunod na pinuno ng pambansang pulisya kapag nagretiro na siya sa serbisyo sa darating na buwan ng Nobyembre.
Inirekumenda ni Albayalde sina Deputy chief for operations director Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP Directorial Staff chief Lt Gen. Camilo Pancratius Cascolan at si National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Guillermo Eleazar.
Si Gamboa at Cascolan ay miyembro ng PMA Class 1986 na mistah nina PNP chief Albayalde at Sen. Dela Rosa habang si Eleazar ay miyembro ng PMA Class 1987.
Ang pahayag ni Albayalde ay kasunod sa naging pahayag din ni dating Chief PNP at ngayon ay senator-elect Dela Rosa na may inirekumenda na siyang pangalan ng tatlong heneral kay Pang. Duterte.
Giit ni PNP chief ang tatlong heneral ay deserving para maging susunod na chief PNP base sa kanilang mga credentials.