Plano ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde na i-deploy sa Mindanao ang mga pulis na kasalukuyang nasa restrictive custody matapos masangkot sa samu’t saring kaso.

Kabilang sa ipapadala sa Mindanao ang magkapatid na sina PO1 Rendel Soriano ng Caloocan Police, PO3 Ralph Soriano ng Northern Police District at PO1 Reniel Soriano PNP Drug Enforcement Group, Camp Crame, na nanugod ng sibilyan matapos makagitgitan sa trapiko sa Caloocan City.

Ayon kay Albayalde, pinarerepaso na niya ang listahan ng mga pulis na nasa Personnel Holding and Accounting Unit.