-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang tatlo katao habang sugatan naman ang limang iba pa matapos na bumaliktad ang isang van sa Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang driver ng nasabing sasakyan na si Raul Bea, 47-anyos, residente ng Barangay Bonga, Bacacay, Albay.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ang South bound lane ni Bea nang bigla umanong nawalan ng kontrol dahilan upang bumaliktad ang minamanehong sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente, agad na binawian ng buhay ang tatlo katao at nagtamo naman ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang limang iba pa.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.

-- Advertisement --