CENTRAL MINDANAO- Lumikas ang mga sibilyan sa kalat-kalat na sagupaan ng dalawang armadong grupo sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Samsudin Pasandalan,47 anyos,Nasrodin Mangandili,33 at Mohimin Pasandalan,27,sugatan naman sina Koriano Mangandili at Bronson Pasandalan,mga residente ng Brgy Balungis Pikit North Cotabato.

Ayon sa ulat ng Pikit PNP na nagkasagupa ang grupo nina Kumander Sambutuan Pasandalan ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Kumander Guinaidin Hadji Ali ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Brgy Balungis Pikit Cotabato.

Patungo umano ang grupo ni Kumander Sambutuan sa kanilang kampo nang paputukan ng grupo ni Kumander Ali.

Tumagal ng ilang oras ang palitan ng bala ng dalawang grupo resulta ng pagsilikas ng maraming mga sibilyan sa takot na maipit sa gulo.

Matagal nang naayos ni Pikit Mayor Sumulong Sultan ang awayan ng dalawang grupo ngunit muling sumiklab dahil sa personal na alitan o rido.

Sa ngayon ay patuloy na minamatyagan ng Pikit PNP at nagsagawa na rin sila ng malalimang imbestigasyon sa naturang pangyayari.