-- Advertisements --
image 605

Ibinunyag ng US Defense Secretary Lloyd Austin na mayroong tatlong panibagong pag-atake sa military bases ng Amerika sa Syria ang napaulat simula ng gumanti ng airstrikes ang Amerika.

Isang US Service member ang nasugatan sa isa sa tatlong pinakawalang pagatake laban sa US military.

Kinumpirma din ng US officials na isa sa tatlong panibagong pag-atake ay target ang military base ng Amerika sa may timog-silangang bahagi ng probinsiya ng Syria na Der el-Zour kung saan maraming rockets ang pinakawalan subalit wala naman napaulat na namatay sa panig ng Amerika.

Una na ring nagpahayag ng pakikiramay si US President Joe Bidn sa mga pamilya ng US citizen na nasawi at para sa mabilis na paggaling ng mga nasugatan sa naturang pag-atake sa kaniyang pagbisita sa Canada at inihayag na hindi magdadalawang-isip ang Amerika na gumanti ;aban sa Iranian aggression.

Magugunita na noong nakalipas na araw, tumama ang isang Iranian drone attack sa military base ng Amerika sa northeastern Syria na kumitil sa isang contractor at ikinasugat ng ilang sundalo ng Amerika.

Sa ilalim ng Administrasyong Biden, maraming pag-atake na ang inilunsad ng Amerika sa Syria target ang mga grupong may kaugnayan sa Iran. Una ng pinasok ng mga sundalo ng Amerika ang Syria noong 2015 para suportahan ang kanilang allied forces sa pakikipaglaban kontra sa teroristang grupo na ISIS.

Sa ngayon, mayroong military base ang US malapit sa Hasaka sa northeast Syria kung saan tumama ang drone strike noong Huwees. Nasa humigit kumulang 900 sundalo ng AMerika at mga contractors ang kasalukuyang nasa Syria.