-- Advertisements --
DOH WHO polio advisory

Tatlo pang kaso ng polio ang naitala ng Department of Health (DoH) sa Mindanao.

Ito ang kinumpirma na ng DoH ngayong hapon lamang.

Dahil sa panibagong kaso, kabuuang pito na ang bilang ng bagong kaso ng polio sa bansa ngayon taon.

Ang huling tatlong tinamaan ng polio ay na-admit sa Cotabato Regional Medical Center.

Ayon sa DoH, positibo sa poliovirus ang mga samples mula sa tatlong kaso sa Mindnao na una nang ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at National Institute of Infectious Diseases sa Japan.

Maalalang ang unang kaso ng polio ay naitala sa Mindanao na dalawang taong gulang na bata.

Ang ikalawang kaso ay isang, isang taong gulang na batang lalaki mula sa Cotabato City at ang ikatlong kaso naman ay tumama sa isang apat na taong gulang na batang babae mula sa North Cotabato.

Ayon sa DoH, ang unang dalawang kaso ay walang bakuna habang ang ikatlo ay kulang naman sa polio vaccine.