-- Advertisements --

Patay ang tatlong miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa ikinasang pinagsanib na operasyon ng PNP at AFP.

Ang tatlong nasawing rebelde ay siyang nasa likod sa pananambang sa tatlong indibidwal na ikinasawi ng FEU football player sa Masbate nuong Linggo.

Ayon kay Souther Luzon Command Commander Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. naka-enkwentro ng mga tropa ng Scout Platoon ng 9th Infantry Division ng Phil. Army at PNP ang tinatayang 30 NPA sa brgy Anas, Masbate City kaninang 5:30 ng umaga.

Ang grupo ng NPA ay pinamumunuan ng isang Arnold Rosero alyas Star.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok bago nagsitakas patungo sa iba’t ibang direksyon ang kalaban.

Narekober ng mga tropa sa encounter site ang labi ng 3 NPA 3 M-16 rifles at isang M-14 rifle.

Patuloy naman ang pursuit Operations ng militar at pulis sa mga nalalabing miyembro ng terroristang grupo.