-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Isang tatlong buwan na sanggol ang naitala ng Department of Health Region 12 (DoH-12) na pinakabatang biktima na nasawi na itinuturing bilang person under investigation (PUI).

Kabilang ang nasabing sanggol sa siyam na mga PUI na namatay matapos nadagdagan ng dalawa sa buong rehiyon.

Sa inilabas na datos ng DoH-12 kahapon, dumagdag din sa casualty ay isang 74-anyos na babae at kapwa taga-South Cotabato ang mga ito at binawian ng buhay noong Marso 31.

Nabatid na sa mga PUIs na namatay, isa dito ang nagpositibo, lima ang nag-negatibo ang resulta habang pending naman ang result ng tatlong iba pa.

Sa ngayon nasa 191 ang kabuuang PUIs sa buong rehiyon, habang 178 naman ang mga persons under monitoring (PUM).