-- Advertisements --

ncrpo2

Patay ang tatlong miyembro ng isang drug syndicate matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP DEG at PDEA kung saan nasa P27.2 million halaga ng illegal drugs ang nasabat mula sa mga suspeks.

Inilunsad ang operasyon bandang ala-1:00 kaninang madaling araw sa may bahagi ng Tranix ROTC Road Brgy Rosario, Pasig City malapit sa URC Warehouse.

Kinilala ni NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao ang napatay na tatlong drug suspeks na sina alias Paulo, alias Richard at alias Ricsan na positibong tinukoy na miyembro ng notorious Kenneth Maclan drug syndicate na nag-o-operate sa areas ng NCR, Region 3 at Region 4A.

Ayon kay Danao batay sa inisyal na report nanlaban daw ang mga suspeks matapos matunugan na mga operatiba ang kanilang katransaksiyon.

ncrpo1

Pinuri naman ni Danao ang mga operatiba sa walang tigil na pagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Binati nito ang matagumpay na pagkasabat sa humigit-kumulang apat na kilo ng pinaniniwalaang ilegal na droga.

Sinabi ni Danao, napakalaking kabawasan ang nakumpiskang iligal na droga sa kasalukuyang dami ng iligal na drogang umiikot sa merkado at sumisira sa buhay ng ating mga kababayan lalo na sa mga kabataan.

Giit ng heneral na hindi nila nais na maging ganitong madugo ang engkwentro pero dahil nanlaban ang mga ito walang magawa ang mga operatiba kundi magpaputok din.