-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nauwi sa saksakan ang pagtatalo ng tatlong magkakaibigan na pawang lasing sa Barangay Badio, Numancia, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Policarpio Cipriano, habang ang mga suspek ay sina George Ramos at Alex Caynap, 53-anyos at residente ng nasabing barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen, alas-8:00 ng gabi ay pawang lasing na umano ang magkakaibigan nang mapag-usapan kung sino ang gumagawa ng plano ng bahay ang engineer o architect na pinagmulan ng kanilang mainitang pagtatalo.

Matapos aniyang igiit ng biktima na parehong ang architect at engineer ang gumagawa ng plano ng bahay, pinauwi ito ng napikon na suspek na si Ramos hanggang sa nagpambuno silang dalawa dahilan na pumgitna na si Caynap.

Nang hindi pa rin maawat ang dalawa, kumuha ito ng itak at tinaga sa ulo si Cipriano na agad na isinugod sa ospital.

-- Advertisement --

Kapwa nahaharap sa kasong frustrated homicide ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa lock-up cell ng Numancia Police Station.