Kinapitan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong miyembro ng Toronto Raptors.

Ito ay kasunod sa kanilang pagsasailalim sa mandatory testing ng NBA bago ang pormal na pagsisimula ng NBA season.

Sa pahayag ng Raptors, hindi nito pinangalanan kung sinu-sino ang tatlong nagpositibo sa virus.

Agad naman umanong sumailalim sa self-isolation ang tatlo.

Base sa isinagawang contact tracing at follow-up testing, ligtas naman daw sa sakit ang iba pang miyembro ng koponan.

“Adherence to protocols, follow-up testing and contact tracing has so far revealed no spread to other members of the Raptors organization,” saad sa pahayag.