KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang tatlo katao kabilang na ang mag-asawang umano’y bigtime drug trader matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga otoridad sa Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kinilala ni Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) in the Bangsamoro region ang mga naarestong suspek na sina Jomelyn Donato at ang asawa nitong si Junmark Donato at isang Muhamad Palakasi na pawang mga residente ng Talayan, Maguindanao.

-- Advertisement --

Ayon kay Azurin, isinagawa ang anti-drug operation sa Sitio Grotto, Barangay Tamontaka kung saan narekober sa mga suspek ang 200 gramo ng shabu na may estimated market value na P1.36 million.

Aminado ang PDEA-BARMM na madulas ang mga suspek at matagal na umanong sinurveillance ng mga otoridad hanggang sa nahuli ang mga ito.

Nakuha sa mga suspek ang mga pekeng P1,000 bills, mga mobile phones at isang Suzuki mini-van.