-- Advertisements --

Inanunsiyo ng transport group na Manibela na muli silang magkakasa ng tatlong araw na transport strike o tigil pasada simula sa araw ng Martes, Disyembre 9.

Ito ay bilang pagprotesta sa anila’y sistematikong harassment ng mga traffic enforcer sa mga tsuper ng mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, isasagawa sa buong bansa ang naturang transport strike at maaaring palawigin pa depende sa mga development.

Paliwanag pa ni Valbuena, tugon nila ito sa walang habas na paghuli at pangongotong ng mga traffic enforcer sa kalsada.

Sa huli, ipinanawagan din ng Manibela na ikulong ang mga kurakot at dapat na managot ang lahat ng sangkot.