Pormal na ring kinansela ng European soccer’s governing body na UEFA ang tatlong malalaking football events na kinabibilangan ng Champions League, Europa League at women’s Champions League finals dahil pa rin sa coronavirus pandemic.

Una rito maging ang European domestic league ay ipinagpaliban din kasama na ang Euro 2020 tournament hanggang sa susunod na taon.

Ang women’s Champions League final ay lalaruin sa Vienna sa May 24.

Ang Champions League ay nasa kalagitnaan na sa return legs ng round of 16 na meron pang apat na ties na dedesisyunan.

Ang final ay gaganapin sa Istanbul sa May 30.

Sa panig naman ng Europa League na meron pang lalaruin pero ang final ay itinakda sa Gdansk, Poland sa May 27.