CAUAYAN CITY- Pormal nang nagbukas ang tatlong araw na 12th National Rice Technology Forum (NTRF) ng Department of Agriculture sa Nungnungan 2, Cauayan City.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Gov. Rodito Albano, DA Regional Director Narciso Edillo, Mayor Bernard Dy, mga kasapi ng Paglunsod na Konseho at iba pang mga kawani ng DA.
Ayon kay Regional Director Narciso Edilio na layunin ng pagsasagawa ng hybrid rice derby ay upang maipakita sa mga magsasaka ang ibat Ibang mga klase ng hyrid rice na maaring pagpilian.
Aniya matapos ang hybrid rice derby ay makikipag-ugnayan ang DA sa mga piling magsasaka na nakilahok sa aktibidad upang alamin kung anong seed Company ang nagpakita pinakamagandang variety ng hybrid Rice sa ginawang hybrid rice derby.
Idinagdag pa ni Regional Director Edillo na kung anong kumpanya o variety ng hybrid rice ang mapipili para sa Cauayan City ang bibilhin ng DA Region 2.
Nagpasalamat naman si Mayor Bernard Faustino Dy na pagpili ng DA sa Cauayan City na pagdausan ng nasabing aktibidad.
Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Eddie Kidlat , residente ng Nagrumbuan, Cauayan City kanyang sinabi na malaking tulong sa kanilang magsasaka ang mga programa ng pamahalaan tulad ng hybrid rice derby dahil makakatulong ito sa tulad niyang magsasaka.
Bukod pa rito ay madadagdagan din ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka pangunahin na sa mga gagamiting mga pataba at kemikal sa pagpuksa sa mga peste.