-- Advertisements --

Lalo pang dumami ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Disyembre 2021 sa kabila nang pagluwag sa quarantine restrictions noong mga panahon na iyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na ang bilang ng mga unemployed adults, iyong edad 15 pataas, noong Disyembre nakaraang taon ay pumalo sa 3.27 million.

Ang bilang na ito ay katumbas ng 6.6 percent na unemployment rate.

Mas mataas ito ng bahagya kung ikukumpara sa naiulat na 3.16 million unemployed na mga Pilipino o unemployment rate na 6.5 percent noong Nobyembre 2021.

Samantala, ang bilang naman ng underemployed noong Disyebre ay 8.81 million, mas kaunti ng bahagya kumapara sa 7.62 million noong Nobyembre.

Kabilang sa mga industriya na nagdagdag ng trabaho para sa mga Pilipino ay ang sektor ng agrikultura at forestry; manufacturing; human health at social activities; transportation at storage; administrative; at support services.

Pinakamaraming trabaho naman ang nawala sa fishing at aquaculture.