PNP Chief Albayalde
PNP Chief Albayalde

Hanggang sa ngayon hindi parin naa-identify ng PNP ang pagkakakilanlan ng ikalawang suicide bombers na sumalakay sa Kampo ng 1st Combat Brigade Team sa Indanan,Sulu na ikinasawi ng walong katao at ikinasugat ng mahigit 20.

Ayon kay PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang ikalawang suicide bomber ay napaulat na anak umano ng Morrocan ay hindi nag match sa isinagawang DNA test sa suicide bomber na nagpasabog sa isang checkpoint sa Lamitan,Basilan nuong 2018.

“Meron tayong kinuhang sample doon but then again wala tayong puwedeng standard comparison unlike itong isa, kinunan natin at yung nagpakilala sinasabi nag volunteer sila it turned out na positive. Ito kasi wala so we cannot say na kung ito ay sinasabi nila mga allegations na ito ay foreigner or local. We cannot ascertain that yet,” pahayag ni PNP chief Albayalde.

Dahil sa walang mapagkuhanan ng standard comparison kaya hirap ang PNP Crime Lab na matukoy ang pagkakakilanlan ng pangalawang suicide bomber na maaaring banyaga o Pilipino.