Umakyat na sa 2,701 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ilan sa mga bagong namatay ay mula sa Mainland China, South Korea, Italy at Iran.

Umaabot naman sa 80,150 ang bilang ng mga infected ng virus mula sa iba’t-ibang bansa.

Sa naturang bilang ay 9,214 o 18 percent ang nasa kritikal na kondisyon, habang 40,641 o 82 percent ang nasa mild condition.

Samantala, ang mga naka-recover naman ay umakyat na sa 27,594, matapos una nang ma-detect kaugnay ng COVID-19.

-- Advertisement --