-- Advertisements --

Korea

Tinatayang nasa 31 na katao ang nasawi, 10 ang nawawala dahil sa naranasang malakas na pag-ulan na naging sanhi ng malawakang pagbaha at landslide sa South Korea.

Ito ang iniulat ng interior ministry ng South Korea kung saan nagpapatuloy ang mga search and rescue efforts ng mga rescue team para mahanap ang mga tao na na trapped sa binahang tunnel.

Sa ngayon kasi ang South Korea ay nasa peak ng summer monsoon season kung saan sa nakalipas na apat na araw walang tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan na naging sanhi sa pag overflow ng major dam.

Ayon sa opisyal nasa 15 mga sasakyan ang na trapped sa 430-meter underground tunnel sa Cheongju, North Chungcheong province.

Ngayong Linggo, limang cadaver ang nakita na hindi pa kabilang sa official death toll ang narekober sa isang bus na lumubog sa tunnel.