Reading Time: 1 minute
Monrovia Liberia
Monrovia Liberia

Aabot sa 26 na mga bata ang patay matapos na masunog ang boarding school sa Monrovia sa Liberia.

Ayon kay Presidential Press Secretary Isaac Solo Kelgbeh, natutulog ang karamihang biktima ng sumiklab ang sunog pasado 11 ng gabi sa Paynesville City.

Pawang may nasa edad 10-anyos ang mga batang namatay.

Hindi agad nakatakas ang mga biktima dahil sa walang fire exit ang gusali at ang mga bintana ay naharangan ng mga bakal.

Kasamang nasawi ang dalawang guro ng mga bata.

Agad na binisita ni Liberian President George Weah ang lugar at inilunsad ang imbestigasyon sa nasabing insidente.