-- Advertisements --
FB IMG 1587525070349
nbp1

Pumalo na sa 240 ang kabuuang bilang ng mga inmates maging ang mga jail personnel ang dinapuan na rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesperson Markk Perete, nasa 140 ang persons deprived of liberty (PDLs) na ang dinapuan ng covid sa New Bilibid Prison (NBP).

Nasa 11 namang Bureau of Corrections (BuCor) personnel ang infected na sa naturang virus.

Sa Correctional Institute for Women (CIW) nasa 82 namang PDLs at pitong miyembro ng personnel ng naturang piitan ang nag-posibito sa COVID-19.

Ang nalalabing penal farms at colonies naman na nasa ilalim ng BuCor ay wala nang naitalang infected ng covid.

-- Advertisement --

Samantala, ipinasakamay na ng DoJ ang 1,400 rapid test kits sa BuCor noong Lunes na gagamitin para sa mga PDLs.

Bibili naman umano ng karagdagang 5,000 rapid test kits sa mga susunod na linggo ang GoJust Program na nasa ilalim ng European Union na ibibigay sa DoJ.