-- Advertisements --
Nasa ika-apat na araw na ngayon na mababa pa 300 ang mga bagong tinatamaan ng COVID-19 ang naitatala sa Pilipinas.
Ayon sa report ng Department of Health (DOH), nasa 233 ang nadagdag na mga dinapuan ng virus.
Nasa 71 sa mga new cases ay nagmula sa National Capital Region (NCR).
Ang kabuuang nahawa sa COVID1-9 sa bansa mula taong 2020 ay umaabot na sa 3,682,083.
Sa naturang bilang ang mga nakarekober naman ay nasa 3,597,058 na.
Samantala, meron namang 113 na mga bagong nadagdag sa listahan ng mga namatay.
Ang death toll sa Pilipinas bunsod ng COVID-19 ay umaabot nasa 59,891.
Sa kabilang dako bumaba naman sa 25,134 ang mga active cases sa bansa na siyang pinakamababa mula Enero 3.