-- Advertisements --
bernard banac PNP spox
Col Banac

Pumalo na sa 59 election-related violent incidents ang naitala ng PNP National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) mula Enero 13 hanggang Mayo 30 kung saan 23 ang patay, 43 ang sugatan at 44 ang walang pinsala.

Sa mga kasong ito 21 ang isinampa na sa prosecutors office, 36 ang “under investigation” at dalawa ang nagkaroon ng amicable settlement.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, mariing kinondena ng PNP ang mga insidente ng karahasan na ang kalimitang target ay mga local government officials tulad ng mga barangay captain at Sangguniang Kabataan officials.

Tiniyak naman ni Banac na hindi titigil ang PNP hangga’t malutas ang lahat ng mga kaso at mapanagot ang mga may sala.

Ipinag-utos na rin aniya ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde sa lahat ng mga Police Regional Offices na i-“synchronize” ang kanilang imbestigasyon para sa mabilis na ikalulutas ng mga kaso, alinsunod sa direktiba ni Interior Sec. Eduardo Año.