Boluntaryong sumuko sa 202nd Brigade ng Philippine Army ang nasa 22 miyembro ng communist terrorists na kabilang sa NPA’s Guerilla Front Cesar.
Isinuko ng mga sumukong rebelde ang kanilang 10 mga armas kasama ang ilang mga improvised explosive device (IED).
Matapos ang negosasyon na pinangunahan ng mga pinagsanib na pwersa ng 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division at Police Regional Office 4A at General Nakar, Quezon nuong Miyerkules, sumuko ang nasa 22 miyembro ng NPA.
Ayon kay 202nd Brigade Commander Col. Alex Rillera, ang nasabing rebeldeng NPA ay nag-ooperate sa probinsiya ng Quezon, Laguna, Rizal at sangkot sa mga extortion activities.
Sinabi ni Rillera ang influx ng pagsuko ng mga NPA members ay dahil sa whole-of-nation approach na isa sa mga strategy para tuldukan na ang communist armed conflict.
” Since the operationalization of RTF ELCAC 4A, we have already assisted hundreds of former rebels who have signified their intention to put down their arms and return to mainstream society in order to enjoy peaceful lives with their families,” pahayag ni Col. Rillera.
Sinabi ni Rillera karamiihan sa mga sumukong NPA ay enrolled ngayon sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na nagbibigay ng financial na tulong sa mga rebel returnee para magsimula ng bagong buhay.
Sa ngayon, sumasailalim pa sa custodial debriefing ang mga sumukong NPA.