-- Advertisements --

Nakuha ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasa $22 million investments matapos makipag pulong ito sa ilang top Indonesian companies para lalo pa lumakas ang partnership sa animal health, artificial intelligence (AI), at digital connectivity.

Nakipag pulong ang Pangulo sa mga nasabing Indonesian companies sa sidelines ng kaniyang pagdalo sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits.

Kabilang sa mga nakapulong ng Pangulo ay ang mga top executives ng PT Vaksindo Satwa Nusantara, PT WIR Asia Tbk, at Pasifik Satelit Nusantara (PSN).

Ang PT Vaksindo Satwa Nusantara nais magkaroon ng local partnership sa Univet Nutrition and Animal Healthcare Company (UNAHCO Inc.) Philippines kaugnay sa veterinary vaccines at itutuloy ang investment ngayong taon na nasa US$2 million kung saan magbibigay sila ng avian influenza vaccine sa Pilipinas.

Nakipagpulong din si Pang. Marcos kay Pasifik Satelit Nusantara (PSN) na nagbigay ng update kaugnay sa nilagdaang memorandum of understanding nuong nakaraang taon na involved sa satellite launching na nakatakda sa December 2023, makakatulong ito sa pagpapalakas sa digital connectivity sa bansa.

Ang paglalaan ng 13.5 Gbps ng bandwidth para sa Pilipinas mula sa isang bagong satellite na nakatakdang ilunsad ng PSN sa Disyembre ay nagpapahintulot sa WIT na matupad ang mga intensyon nito na bumuo ng isang mas malaking merkado para sa gobyerno at consumer sa Pilipinas.