Tiniyak ni Press Secretary Trixie Angeles na maisusumite pa rin sa tamang oras ang 2023 proposed national budget.
Sa kabila ito ng ilang pagbabagong nais mangyari ng ibang mga ahensya mula sa inisyal na pondong nakalaan sa kani-kanilang tanggapan.
Ayon kay Sec. Angeles, nabigyan silang lahat ng pagkakataon na ma-fine-tune ang alokasyon noong mga nakalipas na araw.
Tumanggi muna ang kalihim na ilahad ang iba pang detalye ng pambansang pondo dahil muli pa aniyang sasalang ito sa pagbusisi ng Department of Budget and Management (DBM).
Pagkatapos ng pinal na latag ng budget, saka naman ito ipadadala sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Nabatid na karaniwang isinusumite ang taunang pondo sa Kamara at Senado, isang buwan matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng nakaupong pangulo ng ating bansa.