-- Advertisements --

Hangad umano ng Malacañang na maipasa na ng Kongreso bago sila mag-recess sa Oktubre 17 ang proposed 2021 national budget.

Ito’y matapos magpatawag si Pangulong Duterte ng special session sa Kongreso at sertipikahang urgent ang General Appropriations Bill.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, dapat bago mag-Bagong Taon ay mapipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang national budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Sec. Roque, parang band-aid lang ang ginawa sa Bayanihan 1 at Bayanihan 2 at ang kabuuan ng COVID-19 response ng gobyerno ay nakapaloob sa 2021 national budget.

Kasabay nito, umaasa si Sec. Roque na maisasantabi muna ang awayan sa liderato ng Kamara para tutukan muna ang pagpasa ng national budget.