-- Advertisements --
IMG 20200625 180840

Hinamon ngayon ni 2019 Bar examination Chair Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, ang mga bagong abogado na patnubayan ang mga susunod na henerasyon ng mga abogado lalo na sa mga ganitong panahon na nakakaranas ang buong mundo ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi ni Bernabe na ang new generation lawyers ay siyang magdadala ng responsibilidad na gamitin ang batas para matulugan ang lipunan at maging gabay para makayanan ang hamon ng makabagong panahon.

Bilang kauna-unahang abogado na nanumpa sa pamamagitan ng virtual o online, sa era na tinatawag na new normal nasa kakaibang posisyon daw ang mga bagong abogado na gamitin lahat ang kanilang resources para siguruhing ang hustisya ay abot ng lahat ng tao.

Kailangan din umano ngayon ng lipunan ang pagiging energetic ng mga bagong abogado, ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya at higit sa lahat ang kanilang interconnected sense of community.

Kanina nang isagawa ang kakaibang panunumpa ng mga bagong abogado sa pamamagitan ng online dahil na rin sa mahigpit na pagsunod ng Korte Suprema sa protocol ng pamahalaan sa covid.

Nasa 2,103 ang mga bagong abogado na nanumpa sa pamamagitan ng online.

Karaniwang isinasagawa ang oath taking ng mga bagong abogado sa Philippine International Convention Center (PICC).