CAGAYAN DE ORO CITY – Naging traumatic para sa Pamilyang Sabla ang pagtama ng 5.9 magnitude na lindol sa Kadingilan Bukidnon, kagabie.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa earthquake survivor na si Rene Sabla, inihayag nitong parang guguho na ang Simbulan Sto Nino Hospital dahil sa malakas na lindol.
Sa ngayong apektado rin ang Don Carlos Doctors Hospital at maging ang kanilang mga pasyente ay pinasilong muna sa kanilang gymnasium.
Ayon kay Don Carlos Mayor Maria Victoria Pizarro, nagpapatuloy ang kanilang pangangalap ng damage and needs assessment oDANA report para ipasa sa Office of the Civil Defense.
Magugunitang nasa tatlong katao ang unang napaulat na nasugatan nang mabagsakan ng mga bumagsak na debris dahil sa epekto ng lindol nitong Lunes ng gabi.