Libungan IED 3
Libungan IED

(Update) KORONADAL CITY – Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang mga sugatang biktima na nadamay sa magkakahiwalay na insidente ng pagsabog sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Homer Estolas, spokesperson ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, patuloy ang pagtukoy ng kanilang pwersa sa mga nasa likod at motibo ng insidente.

Batay sa ulat, 19 ang sugatan nang sumabog ang isang bomba sa loob ng sasakyan sa Sinsuat Avenue, Cotabato City.

Kabilang sa mga nadamay ang tatlong kasapit ng Task Force Cotabato.

Sa ngayon mahigpit ang pagpapatupad ng seguridad sa lugar dahil sa inaasahang pagdating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang land distribution ceremony.