DAGUPAN CITY – Umaabot sa 20 kilo ng kontaminadong karne ng baboy na galing sa bayan ng Binmaley ang sinunog sa bayan ng Laoac sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Captain Mark Ryan Taminaya, chief of police sa PNP Laoac, base sa kanilang imbestigasyon, ang mga karne ng baboy ay walang kaukulang papeles at sinasabing galing sa barangay Lomboy Binmaley.

Dinala ang mga kontaminadong karne sa barangay Kalawagan, Laoac, sakay ng SUV.

Matapos malamang kontaminado ay napagdisisyunan ng kanilang alkalde na ito ay sunugin.

Nabatid na gagamitin sana ang nakumpiskang karne sa isang okasyon.

Samantala, ipinapasakamay na nila sa DA kung sila ay magsasampa ng kaso sa mga taong sangkot.

Una nito tatlong mga barangays sa Binmaley ang nasa surveillance na kung saan siyam na baboy ang namatay sa Barangay Linoc dahil sa ASF.

Dahil mahigpit na pinagbawal ang pagpasok at paglabas ng buhay na baboy sa Barangay Linoc.