Kabacan C1
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Masayang ibinalita ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit ng bayan ng Kabacan, Cotabato na ang dalawang suspected COVID-19 case ay negatibo sa isinagawang swab test.

Matatandaang Hunyo 10 ay nakapagtala ng dalawang suspected case ang bayan kung saan kinilala ito ni incident commander at MHO officer Dr. Sofronio T. Edu, Jr. na mga frontliner ng bayan.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa mga nagpaabot ng panalangin sa dalawang suspected case.

Aniya, kahanga-hanga ang malasakit ng Kabakeño sa kapawa Kabakeño.

Patuloy pa rin ang hiling ng alkalde sa mamamayan na pag-ingatan ang sarili, sundin ang minimum health standard protocols, at paniwalaan lamang ang tunay na impormasyon.

-- Advertisement --

Sa ngayon ay patuloy na naglilibot si Mayor Guzman sa bayan ng Kabacan para masiguro ang kalusugan at seguridad ng mamamayan.