BARMM- Tinambangan ng mga armadong grupo ang mga sundalong nagpapatrolya sa Sitio Banisilan Barangay Bandaraingud Pagayawan Lanao Del Sur .

Nakilala ang mga nasawi na sina 1st Lieutenant Mark Linne Banua at Sergeant (SGT) Jhanjihan Carumba.

Sugatan naman sina Private Roger Amihan,PFC Nielo Rubiato,TSgt Randy Esmade,PVT Jovanie Calaguian at PVT Therenz John Francisco,mga tauhan ng 55th Infantry Battalion Philippine Army.

Ang tropa ng 55th IB Bravo company ay nagsasagawa reconnaissance foot patrol sa Sitio Banisilan Brgy Bandaraingud Pagayawan LDS nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan gamit ang mga matataas na armas.

Gumanti ng putok ang mga sundalo kaya umatras ang mga rebelde na posibleng may nasawi o nasugatan din sa kanila.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar katuwang ang pulisya sa mga nanambang sa tropa ng 55th IB sa bayan ng Pagayawan LDS