CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas na ang dalawang pulis matapos hagisan ng granada sa kanilang binabantayang checkpoint area sa Cabanglasan Bukidnon nitong Lunes ng gabi.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cabanglasan Mayor Reynante Inocande, kinilala nito ang mga wounded in action na sina Police staff Sargeant Junmark Suico at Patrolman Alvin Claunan ng 1st Bukidnon Police Mobile Force Company.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dalawang suspek na nakamotor ang unamoy nangharas sa mga pulis na nakabantay sa community control checkpoint sa nasabing lugar.

Mabilis namang rumesbak ang mga sugatang pulis subalit nakatakas na ang mga hindi pa nakikilang mga salarin.