STAR CEBU- Kinumpirma ngayon ng Cebu City Police Office (CCPO) na pumanaw na ang dalawang pulis na nagpositibo sa coronavirus disease(COVID-19) nitong lungsod ng Cebu.

Ayon sa Officer-in-charge ng CCPO na si Col. Cydric Earl Tamayo na nitong Linggo lang, Hunyo 14 binawian ng buhay ang dalawang pulis.

Hiniling ni Tamayo na hindi nalang pangalanan ang dalawang pulis para naman sa seguridad at privacy ng kanilang pamilya.

Naka-assign sa crime laboratory ng Abellana Police Station ang isang operatiba habang ang isang pulis ay na-assign sa Crisis Response Battalion (CRB).

Matapos kumpirmahin na namatay ang dalawa sa covid, sinabi ni Tamayo na ang dalawang pulis ay agad na i cremate sa loob ng 12 oras mula ng kanilang pagkamatay.