-- Advertisements --

Na-veto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dalawang seksyon ng 2024 General Appropriations Act partikular ang patungkol sa Department of Justice (DOJ) revolving fund at sa Pagpapatupad ng Career Executive Service Development Program ng National Government.

Batay sa sulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay House Speaker Martin Romualdez na may petsang December 20,2023, binigyang-diin nito na bilang parte ng kaniyang constitutional mandate kaniyang sisiguraduhin na mahigpit na ipinatutupad ang batas kaya obligado siya na i-veto ang DOJ Revolving Fund.

Sinabi pa ng Pangulo ang service fees ay malinaw na hindi mula sa mga aktibidad na uri ng negosyo sa loob ng General Provision on Revolving Funds sa GAA, na may kinalaman ito sa service fees na pinapataw kapag naghain ng reklamo at affidavits sa national prosecution service at sa petitions for review na inihahain sa DOJ.

Inihalimbawa ng Pangulo ang isang pahayag ng Korte Suprema (SC), na ang “inaappropriate provisions” ay unconstitutional provisions at probisyon na naglalayong amyendahan ang iba pang mga batas.

Na-veto din ng Pang. marcos ang Section 38 sa ilalim ng General Provisions, ang “Implementation of National Government’s Career Executive Service Development Program (NGCESDP).”

Ayon sa chief executive na ang nasabing provision ay hindi naka relate sa anumang particular appropriation sa nasabing Budget.

Nuong Miyerkules nilagdaan na ni Pangulong Marcos at ganap ng naging batas ang Republic Act (RA) No. 11975, or the General Appropriations Act for Fiscal Year (FY) 2024 na nagkakahalaga ng P5.768 trillion.