Halle city Germany
Halle city Germany

Patay ang dalawang katao sa naganap na pamamaril sa Germany.

Naganap ang insidente sa Halle City malapit sa synagogue.

Naaresto naman ng mga otoridad ang isang lalaki habang nakatakas ang pinaniniwalaang kasamahan nito.

Unang binaril ng suspek ang isang lalaki sa Turkish kebab shop at pangalawang biktima ay isang babae na napatay malapit sa Jewish cemetery at synagogue.

Itinakbo na rin sa pagamutan ang dalawang katao na nasugatan sa insidente.