CEBU CITY – Kasalukuyuang isinailalim sa imbestigayon ng PNP ang magkakasunod na mga shooting incident kagabi sa Cebu kung saan dalawa ang patay habang nakaligtas naman ang isa.

Nasa ligtas na kalagayan ang isang traffic enforcer na si Loy Imbino matapos itong mabaril ng riding-in-tandem suspeks sa Brgy. Tuyan, sa lungsod ng Naga.

Ayon kay M/Sgt. Michael Villarmea ng Naga City Police Station na sinundan umano ng dalawang unidentified na gunmen ang biktimang si Imbino nang pauwi na ito sa kanilang bahay hanggang sa ito ay binaril.

Dinala naman agad sa pagamutan ang biktima dahil sa natamong sugat sa kanyang katawan at naagapan naman agad ito.

Samantala, personal grudge ang naging motibo sa pagkamatay ng isang sa umano’y kilalang snatcher sa Colon St., sa lungsod ng Cebu.

Ayon sa hepe ng Carbon police station na si Major Randy Caballes, binaril ng isa pang riding-in-tandem ang biktimang si Gerald “Dodoy” Villamor malapit sa isang fastfood chain.

Narekober mula sa crime scene ang tatlong empty shells at bala ng caliber .45 mula sa crime scene.

Makalipas ang ilang minuto, may nangyaring isa pang shooting incident sa Manalili St., sa lungsod ng Cebu.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa pagkamatay ng 28-anyos na si Jay Bulaong Caruana.

Patuloy na inaalam ng Waterfront Police Station kung ano ang naging motibo sa pagkamatay nito