KORONADAL CITY – Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa magkakamag-anak sa probinsiya ng Maguindanao.

Ayon sa pulisya, agad na binawian ng buhay ang mag-ina habang sugatan naman ang dalawa pang kamag-anak ng mga ito matapos na pinagbabaril ng mga armadong lalaki sa Barangay Matuber, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Nakilala ang mga nasawi na sina Nenita Kurasig, 58 anyos at anak nitong si Yunidis Kurasig habang sugatan naman sina Christian Poel Karasig, 26 anyos at isang 36 anyos na nakilala lamang sa pangalang Marrigo.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang masayang nanood ng telebisyon ang mga biktima ay biglang dumating ang grupo niSumagka Mundo na may dalang mga matataas na kalibre ng baril at pinaulanan ng bala ang mga ito.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa nangyaring krimen.