-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dalawang katao ang patay at 12 pang pasahero ang nasugatan sa pagbaligtad ng center car farm equipment sa Barangay Balasig, Cabagan, Isabela.

Idineklarang dead on the spot ang isa sa mga pasahero na si Rosalyn Agabin at si Solitaria ospital.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Romel Aggabao, chief investigator ng Cabagan, Police Station na ang mga magkakamag-anak ay nanggaling sa isang death anniversary sa Fugo, Tumauini, Isabela at papauwi na sila sa Cabagan nang maaksidente.

Lulan ng naturang center car farm equipment ang 14 katao kabilang ang drayber nang maganap ang aksidente.

Binabagtas ng center car farm equipment ang direksyon patungong Centro, Cabagan at pagsapit sa bahagi ng Barangay Balasig ay nawalan ng kontrol sa Manibela ang driver.

Nadaganan ang 14 na katao na ikinasawi ng dalawa habang 12 ang nasugatan na dinala sa ospital.

Ang mga magkakamag-anak na sina Erwin Datul, driver ng center car farm machine; Marcelo Agabin, Bernardo Laggui, Marita Laggui, Cris mae Mercado; Rodolfo Agabin; Waldimar Baui; Flordeliza Baui; Rowena Gammad, Leon Patrick Gammad; Ethan Dale Gammad at Monsing Datul, pawang residente ng San Bernardo, Cabagan, Isabela.

Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang Cabagan Police Station sa naganap na pagbaliktad na aksidente.