LAOAG CITY – Naipasara ang dalawang negosyo ni sangguniang panglungsod member Ferdinand Domingo sa lungsod ng Laoag dahil wala umano itong business permit.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Melvin Manuel, head ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa lungsod.

Ayon kay Manuel, nag-o-operate ang mga negosyo ni Domingo kahit hindi nagpapakita para sa business permit ng negosyong car wash at motor parts merchandising.

Nabatid na kahit dalawang beses na pinadalhan ng BPLO ng notice ang opisyal ay hindi ito gumawa ng anumang hakbang para makakuha sana ng permit.

Dagdag ni Manuel na kung magpapatuloy pa rin ang operasyon na mga naturang negosyo ng opisyal kahit pinasarhan ay sasampahan na ito ng kaukulang kaso.