-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Todo-hakot ng medalyang bulawan ang mga arnis athletes ng Ampayon Central Elementary School sa Brgy. Ampayon nitong lungsod ng Butuan na nagselyo sa 13 ng mga gintong medalya na nakuha ng Team CaraGold.

Ayon kay Department of Education o DepEd-Caraga spokesperson Pedro Tecson, ang naturang mga gold medals pati na ang pitong mga silver at 18 nga bronze medals, nahakot ng elementary at secondary levels kasama na ang nakuha ni Queen Fairy Rose Rante sa arnis event individual likya anyo individual double weapon – elementary girls na sinundan ni Arielle Ashley Lape sa kagayang event ngunit sa kategoriya ng individual likha espada y daga – elementary level.

Ang ikatulong gintong medalya ay nakuha din sa arnis event sa likha anyo team synchronized single weapon category-elementary level na parehong nakuha ng dalawang manlalaro at nadagdagan pa ni Angela Mejias na parehong nag-aral sa Ampayon Central Elementary School.

Sa kabuu-an, nakakuha ng tig-aapat na gold medals sina Queen Fairy Rose Rante at Arielle Ashley Lape habang tatlong gold medals naman ang nahakot ni Angela Mejias.