-- Advertisements --

Paggunita sa ika-120 kaarawan ni dating Gov. Roque B. Ablan Sr., tagumpay na naisagawa sa gitna ng malakas na ulan sa Il
Unread post by bombolaoag » Mon Aug 10, 2026 4:37 am

Paggunita sa ika-120 kaarawan ni dating Gov. Roque B. Ablan Sr., tagumpay na naisagawa sa gitna ng malakas na ulan sa Ilocos Norte

LAOAG CITY – Tagumpay ang pagdiriwang ng ika-120 kaarawan ni dating Gobernador Roque B. Ablan Sr. sa Barangay 20 sa lungsod ng Laoag dito sa Ilocos Norte

Isinagawa ito sa kabila ng malakas na pag-ulan sa lalawigan.

Pinangunahan ng Philippine National Police ang pag-aalay ng mga bulaklak at wreath-laying sa Gov. Roque B. Ablan Sr. Shrine.

Bukod dito, nagsagawa rin ng 21-gun salute ang Philippine Marines bilang parangal kay dating Gov. Ablan Sr.

Dumalo sa nasabing okasyon sina Gov. Cecilia Araneta Marcos, Mayor James Bryan Alcid, mga opisyal ng pamahalaang lungsod at panlalawigan, at iba pa, kabilang na ang mga pamilyang Ablan.

Ayon kay Secretary Arsenio Balisacan ng Department of Economy, Planning and Development, mahalagang ipagdiwang ang araw na ito dahil nararapat lamang na alalahanin ng mga Pilipino lalo na ng mga Ilokano ang kanyang naging kontribusyon at sakripisyo upang pigilan ang pananakop ng mga Hapones sa bansa.

Aniya, nararapat lamang kilalanin ang kanyang mga nagawa sa pakikipaglaban para sa bayan, lalo pa’t itinuturing siyang bayani ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Sinabi naman ni Liga ng mga Barangay President Roque Benjamin Ablan, isa sa mga apo ni dating Gov. Ablan Sr., na dapat itanim sa isipan ng mga tao lalo na ng bagong henerasyon ang sakripisyo ng kanyang lolo na nag-alay ng sariling buhay para sa kalayaan ng bansa.

Binigyang-diin niya ang mahalagang papel at kontribusyon ni dating Gov. Ablan Sr. sa kasaysayan ng bansa.