NAGA CITY – Patay ang dalawang menor de edad matapos malunod sa Brgy. Maragñi, San Fernando, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa San Fernando Municipal Police Station napag-alaman na ang mga naturang biktima ay ang magkapatid na may edad lima at pitong taong gulang pa lamang.

Batay sa imbestigasyon, nabatid na kasama ng mga biktima ang mga pinsan nito ng pumunta sa isang ilog sa naturang barangay.

Ngunit pasado alas-5:00 ng hapon nang magsimula nang maghanap ang mga magulang ng mga biktima.

Habang bandang alas-8:00 na ng gabi ng makuha ang katawan ng mga ito sa ilalim ng nasabing ilog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.