CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang dalawang suspek na nahuli dahil sa indiscriminate firing sa Region 10.

Kinilala ang mga nahuli na sina Marcelino Arellano, 72, isang bulldozer operator, residente ng Km-6 Base Camp, Maramag, Bukidnon at Owen Abcedes, 46, ng Mahinog, Camiguin.

Sinabi ni Police Regional Office (PRO-10) spokesperson Lt. Col. Mardy Hortillosa na parehong lasing ang dalawa nang nagpaputok ng kanilang mga baril na walang lisensya.

Nakuha sa kanilang position ang .45 kalibre na baril.

Dahil dito sa kulungan na magdiriwang ng bagong taon ang dalawa.