CENTRAL MINDANAO- Dalawa na ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) sa probinsya ng Cotabato.
Kinumpirma ng Department of Health (DOH-12) na nagpositibo sa Covid 19 ang 29 anyos na babae sa North Cotabato o si PH 3671.
May travel history si PH 3671 sa bansang Abu Dhabi, Singapore at Davao City.
Ang swab test ng biktima sa RITM ay nagpositibo sa Covid 19, maayos ang kanyang kondisyon at naka-home quarantine.
Una na nagpositibo sa Covid 19 ang 45 anyos na lalake, may asawa at residente ng Midsayap North Cotabato.
Ang biktima o si PH 3272 ay may travel history sa Matina Gallera sa Davao City.
Lumampas na sa 14 day Quarantine ang biktima bago lumabas ang confirmatory result test ng RITM at nagpositibo ito sa Covid 19.
Nasa maayos na kondisyon PH 3272 at nasa Cotabato Provincial Isolation Center ngayon ng probinsya at muling kukunan ng swab test.
Nagpapatuloy din ang contact tracing at isinailalim sa home quarantine ang pamilya ni PH3272 at PH 3671 at mga nakasalamuha nitong mga kaibigan.